June 22, 2005

Ang daya

Bakit ganoon?

Isang hinayupak na lumang piraso ng bakal na tinawag nilang kompyuter ang napunta sa akin. Ayaw nitong magpaimbita sa Yahoo Messenger, may topak ang LAN, may topak ang tunog, may problema sa DOS, at kung anu-ano pang halu-halong sakit. Di' ko tuloy makasama itong mga kaibigan ko sa kanilang pangmalawakang paghahalubilo.

Nakakainis! Hindi ko pa kayang ayusin ito. Buwisit. Nagmimistulang itim na tupa ako rito sa amin dahil sa ginagawang pagyuyurak nitong bakal na ito sa aking buhay-opisina. Sana kapag nakalipat na ako, magkaroon ako ng isang tunay na kompyuter, hindi isang kalkyulator na nagbabalat-kayo.

No comments: