Nagsimula nang magtrabaho ako sa Accenture bilang Junior Software Engineer. Pinapunta nila ako sa 6750, isang pagkataas-taas na gusali kung saan nakilala ko ang ilang baguhan rin sa trabaho.
Isang pagkahaba-habang orientation ang bumati sa akin. Sa sobrang haba, itutuloy pa ito bukas.
Nabusog naman ako sa pagkain. Sumobra nga yata. Libreng pagkain at inumin. Naka-dalawang merienda at lunch ako doon. Softdrinks at juice sa lata + free-flowing coffee and water.
Nalaman ko doon na hindi pa ako permanenteng nasa 6750 magtatrabaho. Maaaring ilipat pa nila ako sa iba pang lokasyon ng Accenture. Ito marahil ang magdidikta kung may malaki at kagimbal-gimbal akong gagawin. 1/7 lang ang pag-asa nito, ngunit kung ito ang mangyayari, mukhang may ibig sabihin na ito.
Mga lokasyon sa Ortigas: Orient Square & PSE. Sa katunayan, ayoko ko sanang mapadpad muna rito. Hindi ko pa rin kasi alam ang lokasyon ng dalawang ito. Baka mawala pa ako. Wala pa ring kasama.
Sa Makati: MSE, 11 buildings away, 6750, 13 buildings away, Libran House, malapit lang kay Migs pag nagtrabaho siya sa Rada, ngunit malamang 'di ako mapapadpad rito dahil 'di naman ako HR.
At may isa pa. Ang GT tower.
Hindi ako maaaring magkamali rito. Kung papipiliin ako, GT Tower na lang. (Depende kung mabuo na ang Accenture Gateway, at baka doon na lang ako magpalipat.) Mukhang nahihibang nga ako dahil di ko talaga alam ang bahagi nito ng Makati.
GT Tower... mapapalayo nga ako sa mga Glorietta at Greenbelt kumpara sa 6750. May Gym naman dito. May lounge pa. Malapit kay Migs sa Rada. At higit sa lahat...
Tatlo lang. Parehong kalye, parehong daanan, parehong bloke.
At pag nangyari ito.... abangan.
Ngunit pag hindi, oh well... wala talaga...
Puwede rin actually sa Unionbank of the Philippines. Kung tama ang pagkaalala ko, doon iyon sa SSS Bldg, sa corner ayala and Rufino. Malapit kay Migs sa Rada, at apat na gusali lang ang kailangang lakarin.
Itatapon ko itong napakaliit na pag-asa sa hangin. Sana pagbigyan lang niya ako sa aking mumunting hiling.
No comments:
Post a Comment