May 24, 2005

Sumara ang bintana, bumukas ang pintuan.

Natapos na ang pangalawang araw ni Milo sa Accenture. Tulad ng nakaraang araw, pumasok siya na nakabihis-"yuppie" sa pagkataas-taas na gusali ng 6750. Ito na ang huling araw ng paghahanda bago tuluyang magtatrabaho siya sa kung saan man siya ilagay ng kumpanya.

Ipinaliwanag ang iba’t-ibang mga aspeto ng kumpanya. Siguridad, benepisyo at iba pa. Hinati-hati na rin sila sa kani-kanilang mga proyekto.

Nailagay si Milo sa proyektong Host Bench. Ang kanyang magiging opisina ay sa Philam Life Building sa Makati. Bahagyang nagulat siya ng mabasa niya ito sa papel na iniabot sa kanya habang ipinapaliwanag sa kanila kung anu-ano ang mga gagawin nila sa mga susunod na araw. Hindi niya alam na may opisina ng Accenture pala roon. Isa pa, sa Pasig pala ang gusali ng Unionbank of the Philippines, na noon inakala niyang nasa Makati. Hindi rin natupad ang hinihiling niya kahapon na sa GT Tower siya magtrabaho.

Ang kanyang unang gagawin simula bukas ay mag-aral ng isang bagay na wala siyang kamalay-malay, ang pag-poprogram gamit ang COBOL. Kinabahan siya at baka 'di niya ito kayanin lalo na na ang iba niyang kasama ay mga gradweyt ng mga kursong kompyuter. Baka maiwanan lang siya sa ka

Ngunit hindi pa dito nagtatapos ang kuwento. Sa mga susunod na linggo, hindi siya sa PhilAm Life Building papasok kahit doon siya inilagay. Papasok siya sa GT Tower, dahil doon siya tuturuan kung papaano gumamit ng COBOL.

Oo… GT Tower ng tatlong linggo. Nagtataka na siya kung may ibig sabihin ba talaga ito. Pahiling-hiling kasi siya na sa GT Tower. Ayun, ibinigay ng tadhana, kahit na may hangganan ito.

Kakaiba. Hindi niya tuloy malaman kung ano ang mga susunod niyang hakbang. --- well, may isa siyang hakbang. Tapusin na ang kanyang requirements sa Accenture para makuha iyong ID niya sa Accenture! :)

No comments: