June 14, 2004

Kata-One

Sumisid na ako sa dagat ng unang pasukan. Rumaragasa ang mga alon tulad ng dati sa lahat ng mga kaguluhang kinakailangan pang ayusin bago matapos ang linggong ito.

Unang klase: Kasaysayan. Wala si Sir Gealogo, ngunit nandoon ang TA niya. Tatlong araw daw siya wala, kaya ang ibig sabihin nito, tatlong araw rin matatapos ng maaga ang klase.

Pangalawang klase: Teolohiya. Dito ko nalaman na wala na akong pag-asang makakuha ng A sa kanyang kurso. Ang patakaran kasi ni Sir Manaloto, kinakailangang kasali ka sa isang "Christian community organization" at magsulat ng tatlumpung pahina ng pagdidili-dili sa karanasan mo rito. Medyo hindi ko na kayang isingit pa ang mga aktibidad ng isang organisasyong ganoon sa aking talamdan dahil may tatlong hanggang limang proyekto na akong inaasikaso. Bwisit, may sagabal na sa aking paghahangad ng DL ngayon.

Pangatlong klase: Pilosopiya. Limang minuto na ang nakalipas, wala pa rin si Sir Miroy. Sampu, labinlima, dalawampung minuto na, wala pa rin siya. Kalahating oras... wala pa rin. PRIKAT.

Grabe, mukhang nagbabanta na ang taong ito. Kinakailangang doblehin ang pagsisikap. Kakayanin ko ito. Pangangatawanan ko ang lahat ng humarang sa aking daanan.

Maghanda kayo.

No comments: