June 13, 2004

The Calm Before the Storm

Hindi ko alam kung bakit tila tinurukan ako ng pampatulog sa nakaraang dalawang araw. Maaaring dinadamdam na ng aking katawan ang unang araw ng pasukan. May tatlong proyektong nakabinbin sa aking mga kamay ngayon bago pa magsimula ang pasukan. Babatiin pa ako ng tatlong klase pa ako bukas. Naghahatak pa ng IAC ang aking mga kaklase noong mataas na paaralan.

Ngunit, alam ko na kakayanin ko pa rin. Tigas yata itong mokong na ito. May tililing rin ako at hindi pa ako masyadong nakapamimili ng mga gamit sa paaralan.

Mga gagawin sa taong ito. (Tapang!)
1. Dalawang Dean's List. Sana iyong first honors naman. Hinuhulaan ko na may pag-asang may dalawang A ako ngayon, ngunit kulang pa rin iyon kung upang matupad ang aking pangarap.
2. Makakuha ng kahit anong gantimpala sa kahit anong paligsahan ngayon, maging sa panunulat o sa aking grado.
3. Magandang at kakaibang FA Festival na mag-iiwan ng aming marka sa mga sumusunod na taon.
4. Para kay Den, pangako kong magbibigay ako sa Heights ng aking mga isinulat na literatura.
5. Maging mas-organisado ngayon. Wala ng mga pagsusulit na lukot-lukot ngayon sa aking bag.
6. Makatulong sa ibang tao sa iba't-ibang pamamaraan, kahit sa IAC.
7. Maging pinakamagaling na Placement Rep ngayong taon --- (kailangan rin ng kakaunting yabang paminsan-minsan)
8. Magtapos sa Ateneo na may parangal, at walang kaaway.
9. Magbigay ng panahon sa paglalaro! Huwag masyadong malulong sa trabaho.
10. Maging pinakamahusay sa aking kurso. (Lakas ng apog mo Milo!)

OK? GAME!

ONE TIME, BIG TIME!

PIGLAS!

Gomenasai Miya-chan!

No comments: